Aklan News
47 EMPLEYADO NG DPWH, NAGPOSITIBO SA RAPID ANTIGEN TEST
Nagpositibo sa rapid antigen test ng COVID-19 ang 47 empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH-Aklan).
Kinumpirma ito ni Lorenz Laserna, focal person ng Municpal Health Office (MHO) Kalibo.
Aniya, nakatakda nang sumailalim sa confirmatory test o RT-PCR test ang naturang mga empleyado.
Sa ngayon, may kabuuang 244 active cases na ang Kalibo matapos madagdagan ng 55 bagong kaso kagabi.
Ang pinakahuling biktimang namatay bunsod ng virus ay ang 61 anyos na pasyenteng taga Estancia na binawian ng buhay sa isang pribadong ospital.
Dagdag pa niya, ang mga barangay sa Kalibo na may maraming kaso ng COVID ay ang Brgy. Poblacion, Andagao, New Buswang at Estancia dahil ito rin ang mga barangay na may mataas na populasyon.
Binigyang-diin din ni Laserna ang kahalagahan ng bakuna, malaki raw kasi ang naitulong sa mga residente na tinatamaan ng virus dahil nakita nila na mas madaling gumaling ang mga pasyenteng bakunado na kontra covid kumpara noong nakaraang taon na kaunti pa lang ang nabakunahan. RT/MAS