Aklan News
5 arestado sa Dumalag, Capiz kabilang ang isang Punong Barangay sa kasong roberry
Arestado ang limang katao sa Brgy. Sto. Niño, Dumalag, Capiz sa kasong roberry in band kabilang ang isang Punong Barangay.
Kinilala ang mga akusado na sina Ma. Gemmarie Daquilanea, 48-anyos, residente ng Brgy. Gibato, Dumarao, Capiz; Edwin Dapat, 49, ng Brgy. Sublangon, Pontevedra; Gerald Duya, 44, isang kapitan ng barangay; Carlito Duya Jr., 37; at Carlito Duya Sr., 77, mga residente ng Brgy. Mahunod Hunod, Cuartero.
Sila ay sinerbehan ng Warrant of Arrest sa kasong Roberry in Band sa ilalim ng Article 293 at Article 296 ng Revised Penal Code.
Ang warrant ay ibinaba ng Regional Trial Court 6 dito sa Roxas City kung saan Php20,000 bawat isa ang itinakdang piyansa para sa kanilang pansamantalang kalayaan.
Samantala, arestado rin ng Dumalag PNP sa RORO Port sa Dumangas, Iloilo ang isang akusado na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Firearms and Ammunition Law.
Kinilala ang akusado na si Edgardo Lapeña, 38, residente ng Brgy. Sto. Rosario, Dumalag.
Ang kanyang Warrant of Arrest ay ibinaba ng Regional Trial Court 6 sa Mambusao, Capiz nito lang Disyembre 6.
Walang piyansa na itinakda ang korte sa kanyang pansamantalang paglaya.