Connect with us

Aklan News

5 babae na umano’y buyer ng mga sirang alahas inireklamo ng customer, kulong

Published

on

KULONG sa Kalibo PNP ang apat na babae kasama ang isang dalagita matapos na ireklamo ng kanilang customer.

Sa panayam ng Radyo Todo sa mga babae, mga residente umano sila ng Dasmariñas, Cavite ngunit pansamantalang nakatira sa Dionela, Pandan, Antique.

Salaysay naman ng complainant, pinilit umano siya ng mga babae na tingnan ang sirang polseras nito.

Pumayag naman ang ginang, ngunit nang patakan na ito ng asido ay kumupas ang kulay nito at nasira.

Dahil dito minabuti niyang dalhin ang mga ito sa Kalibo PNP para ireklamo ang nangyari.

Lumabas sa imbestigasyon ng mga pulis na modus lang ng mga babae ang pagbili ng alahas ngunit kapag ito’y napatakan ng nila asido at nasira ay bibilhin na nila ito sa murang halaga.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ang mga babae ng Kalibo PNP at mahaharap sa kasong paglabag sa Revise Penal Code Article 318 “Other Deceits”.