Connect with us

Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Published

on

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa lalawigan ng Aklan.

Ito ay batay sa pinakahuling ASF Zoning Status ng mga probinsya, munisipyo at siyudad mula Marso 26 hanggang Abril 30, 2024 alinsunod sa Amended National ASF Zoning and Movement Plan ng Department of Agriculture.

Batay sa African Swine Fever (ASF) Zoning Update ng National ASF Prevention and Control Program (NASFPCP), upgraded na sa pink zone ang mga bayan ng Banga, Balete, Madalag, Malinao at New Washington na ibig sabihin ay hindi na sila ikinukunsiderang infected zone kundi “buffer zone” na lang.

Kasama na ngayon ng Libacao at Buruanga ang limang nabanggit na bayan sa pink zone status.

Samantala ang natitira namang 10 munisipalidad ay nananatiling nasa red zone status o infected zone.

Patuloy na rin sila ngayon sa pagpasa ng mga dokumento at blood samples ng mga baboy ang ibang munisipalidad para ma-upgrade na rin sila sa pink zone.

Sa kasalukuyan, mayroon ng 440 syudad at munisipyo na na-upgrade sa pink zone mula sa red zone./MAS