Aklan News
5 miyembro ng MDRRMO Kalibo, nag-self quarantine matapos magresponde sa pasyenteng naconfine sa ospital sa Manila na may mga pasyenteng positibo sa COVID-19
Nagpahayag ng pagkadismaya si LDRRMO III Terence Toriano matapos ma-quarantine ang limang miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Kalibo.
Sa kanyang facebook post, sinabi ni Toriano na nagdesisyon itong ipasailalim sa home quarantine ang mga rescuers dahil sa na expose ang mga ito sa nirespondehang pasyente na hindi nagsabi na mula pala ito sa isang ospital sa Manila na may mga pasyenteng positibo sa COVID-19.
Ayon sa aming nakalap na impormasyon, ang 5 rescuers ang nagdala sa nasabing pasyente sa ospital dahil hirap umano itong magbawas.
Huli na umano ng mapag-alaman na mayroon pala itong sakit na cancer at na-admit ito sa ospital sa Manila, na may mga pasyenteng positibo sa kCOVID-19, bago umuwi ng Aklan kaya isa ito sa mga ikinu-konsiderang Persons Under Monitoring o PUM.
Pinaalala ng mga medical frontliners sa publiko na maging matapat sa pagsabi ng kanilang travel history at sumunod sa self-quarantine para maiwasan ang pagkalat ng sakit.
Ang mga mahuhuling lumabag sa mandatory Quarantine ay mapapatawan ng P20, 000-P50, 000 penalidad o 1-6 na buwang pagkakakulong.
Sa ngayon ay nananatiling COVID-19 free ang probinsya ng Aklan.