Connect with us

Aklan News

5 TIMBOG SA ANTI-ILLEGAL GAMBLING OPS NG MGA OTORIDAD 

Published

on

Sasampahan ngayong araw ng kasong paglabag sa PD 1602 o Anti-Illegal Gambling Laws ang mga naaresto ng mga pulis dahil sa ilegal na sugal kahapon sa Tangalan at isla ng Boracay.

Base sa report, unang naaresto ng Tangalan PNP alas 3:30 kahapon ng hapon sina Dominggo Tacud, 53 anyos ng Libang, Makato, at Clyde Torate, 19 anyos ng Sitio Mangguyod, Tamalagon, Tangalan kung saan naaktuhan umano ang dalawa maliban sa ibang nakatakas na nagsasabong sa lugar.

Kasunod nito, narekober ng mga pulis ang 2 manok-panabong na may tari, at P1,000.00 na perang ipinusta umano nila sa sabong.

Kaagad silang inaresto at pansamantalang ikinustodiya sa Tangalan PNP Station.

Samantala, 3 naman ang naaresto sa ikinasang Anti-Illegal Gambling ng Boracay PNP alas 5:00 kahapon ng hapon sa Sitio Hagdan, Yapak, Boracay.

Nakilala ang mga naarestong sina Mario Amar, 29 anyos na guwardiya ng isang resort; Arnold Panes, 43 anyos na construction worker na taga Sitio Sinagpa, Balabag, Boracay, at Angelo Ronquillo Jr., 42 ng Sitio Din-iwid, Balabag, Boracay na isa ring security guard.

Maliban sa 1 manok-panabong, narekober din ang kabuuang P670.00 na pera, habang narekober pa mula kay Ronquillo ang 1 bala ng .38 caliber pistol at 1 bala ng.40 caliber pistol.

Kaugnay nito, kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulations Act ang karagdagang kakaharapin ng nasabing guwardiya