Connect with us

Aklan News

50 ANYOS, SINAKSAK NG LASING

Published

on

LIBACAO-Sasampahan ngayong araw ng kasong Frustrated Homicide ang isang lalaking suspek matapos umano nitong saksakin ang isang 50 anyos na mamà alas 5:00 kahapon ng hapon sa Poblacion, Libacao.

Nakilala ang suspek na kaagad ding naaresto ng mga pulis na si Danny Española, 39 anyos ng Dalagsaan, Libacao, habang nakilala naman ang biktimang si Rex Redecio, 50 anyos ng Sitio Tagaytay, Luctoga, Libacao.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Libacao PNP, nakaupo lamang ang biktima at naghihintay sa isang kaibigan nang dumating lamang doon ang suspek na lasing at walang anumang dahilan na sinaksak ang biktima.

Nagawa namang magreport ng biktima sa presinto ng Libacao PNP kahit sugatan, kung kaya’t kaagad din itong dinala sa pagamutan.

Samantala, arestado naman ang suspek na naabutan pa umano ng mga pulis sa isang tindahan at narekober ang ginamit nitong patalim.

Kaagad din itong ikinustodiya ng mga pulis para sa karampatang disposisyon.