Connect with us

Aklan News

50 PAARALAN SA AKLAN, MAAARING MADAGDAG SA MGA MAGSASAGAWA NG LIMITED F2F CLASSES

Published

on

INAASAHANG aabot sa 50 paaralan pa ang madadagdag para sa implementasyon ng limited face-to-face classes sa lalawigan ng Aklan.

Sa panayan ng Radyo Todo kay Dr. Miguel Mac Aposin, Schools Division Superintendent ng DepEd-Aklan, inihayag nito na isinasapinal na ng kanilang division composite team ang dagdag na mga paaralan na sasali sa limited face-to-face classes.

Aniya, kapag ma-aprubahan ang naturang bilang ay madadagdag ito sa kasalukuyang 35 na mga paaralan na nakapag-umpisa na ng klase para ngayong school year.

Dagdag pa ni Dr. Aposin, magandang indikasyon na ito kung saan unti-unti nang bumabalik sa normal ang sistema ng edukasyon ng mga estudyante gayundin ng mga guro.

Upang makapagsagawa ng face-to-face classes kailangang pumasa ng bawat paaralan, pribado man o pampubliko sa iba’t ibang safety assessment na isinagawa ng Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH).

Mayroong mahigit 380 schools sa buong lalawigan ng Aklan ang nasa ilalim ng DepEd-Aklan ngunit nasa halos 10 porsiyento pa lamang ang kalahok sa implementasyon ng limited face-to-face classes.

Kapag pumasa na ang 50 paaralan na isasailalim sa assessment, malaking porsiyento ito upang madagdagan ang mga paaralan na kabilang sa implementasyon sa lalawigan ng Aklan.