Aklan News
5000 Aklanon nakatanggap ng tig-10K presidential assistance
NAKATANGGAP ng tig-P10K na ayuda ang mahigit 5000 magsasaka, mangingisda at pamilyang apektado ng nagdaang El Niño Phenemenon sa lalawigan ng Aklan.
Ang nasabing ayuda ay mula sa Office of the President o tinawag na Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolk, and Families (PAFFF).
Ayon kay Engr. Alexys Apolonio ng Office of the Provincial Agriculture (OPA) Aklan, ang nasabing financial assistance ay nagkakahalaga ng kabuuang P50 milyon.
Nilinaw ni Apolonio na ang DA umano ang nag-identify ng mga benepisyaryo para sa lalawigan ng Aklan.
Samantala, ang pondo naman ay ibinaba ng Office of the President sa provincial government.
Narito ang schedule ng distribution sa lalawigan ng Aklan:
July 30, 2024 (Morning) – ABL Sports Complex Capitol Site, Kalibo – Eastern Side
July 30, 2024 (Afternoon) – Calangcang Sports Complex, Makato – Western Side (except, Makato)
August 1, 2024 – Batan and Altavas
Sa kabilang banda, wala namang benepisyaryo mula sa mga bayan ng Libacao, Balete at Malay.