Connect with us

Aklan News

5,000 pamilya sa Aklan, apektado ng bagyong Ferdie at Gener

Published

on

AABOT sa limang libong pamilya o katumbas ng 12, 418 indibidwal ang apektado ng bagyong Ferdie at Gener sa lalawigan ng Aklan.

Ito ay batay sa inisyal na datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMO) Aklan as of 4:00 pm nitong Setyembre 16.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Mr. Gary Wilmer Taytayon, COS-OIC Operation ng PDRRMO-Aklan ang mga apektadong pamilya ay mula sa mga bayan ng Banga (1,175); Buruanga (3,226); Ibajay (236); Madalag (15) at New Washington (347).

Mayroong 55 bahay naman ang partially damage at apat ang totally damage dahil sa epekto ng bagyo sa lalawigan.

Maliban dito, inisyal na P35 milyon ang naitalang pinsala sa sektor ng imprastraktura sa Aklan.

Ayon pa kay Taytayon, posible pang madagdagan ang bilang ng mga apektadong pamilya at pinsala kapag nakapag-submit na ang lahat ng mga bayan sa lalawigan ng kani-kanilang mga damage report.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang monitoring ng PDRRMO Aklan sa buong lalawigan sa epekto ng bagyo at habagat. | SMV

Continue Reading