Connect with us

Aklan News

55 KATAO SA MALAY NA ISINAILALIM SA RT PCR TEST, NEGATIBO LAHAT SA COVID

Published

on

Image: LGU Malay

NEGATIBO sa COVID-19 ang naging resulta ng lahat ng 55 katao na nagkaroon ng physical contact kay WV-144 nang pumunta ito sa Boracay.

Ito ay base sa Contact Tracing Bulletin na inilabas ng Malay Inter-Agency Task Force (MIATF) kahapon, June 30, 2020.

Batay sa tala, binubuo ang 55 katao ng 5 BFP personnel, 27 na hotel staff, 14 na mga nakasamang pasahero sa bangka, at siyam na mga boatmen.

Magugunitang kamakailan lang ay naging kontrobersiyal ang padespedida ni dating BFP Regional Director SSupt Roderick Aguto matapos mapag-alaman na isinama nito sa isla si WV-144, ang babaeng empleyada ng BFP na lumabag sa quarantine protocols at nagpositibo sa COVID-19.

Dahil dito agad na nagsagawa ng contact tracing ang MIATF at natukoy nila ang 55 katao na nagkaroon ng close contact sa nasabing empleyada.