Connect with us

Aklan News

57 anyos na lalaki, patay nang malunod habang nangingisda sa Jawili, Tangalan

Published

on

Photo Courtesy of SB member Peter Ascano

Nalunod at nasawi ang isa sa tatlong lalaking nangisda kahapon sa baybaying sakop ng Brgy. Jawili sa bayan ng Tangalan.

Ang biktimang binawian ng buhay ay kinilalang si Virgillio Traje, 57 anyos.

Sa ulat, sinasabing habang low tide kahapon ay nagkayayaang mangisda si Traje kasama ang bayaw nitong si Wilfredo Tarusan, 58 anyos at kapitbahay na si Emmanuel Dalisay, 34 anyos.

Pero hindi namalayan ng tatlo ang unti-unting pagtaas ng tubig dulot ng high tide dahil sa dami ng kanilang mga nahuling isda.

Nag-panic si Traje at tinangay ito ng malakas na agos ng tubig.

Umabot pa ng 20 minuto bago siya natagpuan at sinubukang i-revive ng mga medical responders pero binawian din ito ng buhay.