Connect with us

Aklan News

6 barangay sa Batan, binawian umano ni Mayor Ramos ng Service Vehicle

Published

on

PALAISIPAN ngayon sa mga Batangnon ang dahilan kung bakit pinabalik umano ni Mayor Michael Ramos sa munisipyo ang mga Service Vehicle ng anim na mga barangay sa bayan ng Batan.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Cabugao barangay captain at Liga ng mga barangay president Rizal Rodriguez, naka-park na umano ang naturang mga behikulo sa tapat ng kanilang munisipyo.

Ang nasabing mga barangay ay kinabibilangan ng Caiyang, Camanci, Songcolan, Mambuquaio, Ambolong at Mandong.

Aniya pa, tinawagan umano ni Mayor Michael Ramos ang kapitan ng nabanggit na mga barangay at pinababalik ang kanilang Service Vehicle.

Sa kanilang inisyal na impormasyon, para umano ito sa isasagawang inventory.

“May daywa ka barangay captain kahapon nga present sa amon nga liga meeting kung siin ro andang saeakyan [Service Vehicle] hay gin-bawi siguro naton hambaeon don dahil suno kanda si Hon. Michael Ramos ro nagtawag nga ginapabalik ro saeakyan. Ro akon nga pagkabati hay for inventory kuno,” pahayag ni Kapitan Rodriguez.

“Kung ga-recall sanda it saeakyan [Service Vehicle] hay tanan kunta. pati ro akon nga barangay patrol gin-recall. Ngani naga-duda kita ham-an it anum nga bilog eang. Daya pa ngara nga mga barangay hay remote areas pa,” dagdag pa nito.

Dahil dito, nagtataka si Rodriguez at nag-aalala para sa mga nabanggit na barangay lalo na sa oras ng emerhensiya kung saan malaking tulong sana ang naturang mga Service Vehicle.

Inilahad din ng opisyal na ang naturang mga behikulo ay mayroong Deed of Transfer para sa bawat barangay at ang pondo na ginamit sa pagbili nito ay mula sa 20% Development Fund ng LGU.

Napag-alaman na mayroong 19 Service Vehicle at isang Patrol Boat ang bayan ng Batan para sa 20 mga barangay nito.

Kaugnay nito, sinubukan na ng Radyo Todo na kuhaan ng pahayag ang alkalde ng Batan ukol sa nasabing isyu.