Connect with us

Aklan News

6 NA WANTED, NASAKOTE SA MAGKASUNOD NA MAN HUNT CHARLIE NG KALIBO PNP

Published

on

Anim na wanted sa iba-ibang kaso ang nasakote sa halos magkasunod na man hunt charlie ng Kalibo PNP.

Base sa report, unang sinilbihan ng warrant of arrest sa kasong Estafa sa Bachao Sur ang akusadong si Rodelio Doque Jr., 35 anyos ng nasabing lugar.

Inilabas ni Hon.Rysty Ann Espinosa Borja, Presiding Judge, MTC in Cities, Iloilo City, Iloilo 6th Jucicial Region Branh 9 nitong September 28, 2021 ang kanyang warrant of arrest na may criminal Case No.R-210-21.

Kaagad naman siyang nakalaya pansamantala matapos makapagpiyansa ng P18,000.00.

Tatlo naman ang naaresto sa New Buswang, Kalibo dahil sa kanilang kasong Attempted Homicide na may Criminal Case No.2252-A at 2250-A.
Nakilala ang mga naarestong sina Rinan Ramos, 43 anyos; Ramir Abelita, 45 anyos; at Joel De Pedro, 42 anyos, lahat residente ng Ayos Lang Compound, New Buswang, Kalibo.

Inilabas ni Hon.Alicia A Cruz-Barrios nitong nakaraang Lunes, October 4, 2021 ang kanilang warrant of arrest at may rekomendadong piyansa na P36,000.00 bawat isa.

Samantala, magkasunod ring nasakote kagabi sa Oyotorong St., Poblacion, Kalibo sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property ang akusadong si Noel Ruel, 47 anyos ng nasabing lugar, at si Vanessa Gomez, 33 anyos ng Estancia, Kalibo, sa kasong pagnanakaw.

Kapwa rin inilabas ni Hon.Alicia A Cruz-Barrios ang kani-kanilang warrant of arrest nito lamang nakaraang Lunes.

Inirekomenda ng nasabing korte ang P21, 250.00 na piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Ruel, habang P12, 000.00 naman ang kay Gomez.