Aklan News
6 PANIBAGONG NAMATAY SA COVID-19 SA AKLAN NGAYONG ARAW
Sumampa na sa 121 ang total deaths dahil sa CoVid-19 sa probinsya ng Aklan matapos madagdagan ng 6 ngayong araw.
Base sa inilabas na data ng Aklan PESU, 71 naman ang mga nagpositibo o 31% sa 229 na samples na isinailalim sa test habang 158 naman ang nag negatibo ang resulta. Dahil dito, umakyat na sa 5,393 ang kabuuang kaso sa Aklan kung saan 850 pa dito ang aktibong kaso.
Nasa 111 naman ang naitalang naka recover sa nasabing sakit ngayong araw na humatak ito sa 4,422 total recoveries.
Ang mga bagong kaso ay nagmula sa mga bayan ng Altavas-2, Banga-16, Batan-3, Ibajay-10, Kalibo-11, Madalag-2, Malay-14, Malinao-1, Nabas-1, New Washington-5, Numancia-1 at Tangalan-5.
Ito naman ang status ng kumpirmadong kaso ng CoViD-19 bawat munisipalidad as of July 12:
Kalibo – 1381
Malay – 707
Nabas – 435
Ibajay – 387
Banga – 384
New Washington – 377
Numancia – 344
Makato – 244
Lezo – 170
Tangalan – 165
Altavas – 148
Balete – 140
Batan – 131
Malinao – 125
Buruanga – 103
Libacao – 87
Madalag – 55