Aklan News
6 STALLS SA CATICLAN PUBLIC MARKET, NASUNOG
Isang sunog ang naganap kagabi sa Brgy. Caticlan, Malay, mga bandang 9:17 ng gabi. Ayon kay Senior Fire Insp. Lorna Parcillano hepe ng BFP Malay, nauna na umanong rumesponde ang BFP Malay sa Brgy. Nabaoy dahil may naganap din umanong Fire Grass doon.
Dagdag pa ni Parcillano nagulat umano siya na may sunog ding nagaganap sa Caticlan na agad namang renespondihan. Umabot pa umano sa 2nd Alarm ang sunog kung kaya’t nag desisyon si Parcillano na humingi na ng tulong sa iba pang mga Fire Station.
Sinasabing anim na mga stalls na tindahan ng daing, balot, ukay-ukay, condiments at isang bahay sa likod ang nasunog. Mga bandang 10:05 kagabi na fire out ang nasabing sunog sa pagtutulungan ng ibat-ibang fire stations at mga residente doon.
Sa ngayon patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng BFP Malay hinggil sa naganap na sunog. Nagpa-alala rin ang hepe ng BFP Malay na mag-ingat sa pagsiga ng mga dahon sa labas ng bahay lalong lalo na ngayong summer, siguraduhing napatay na ang apoy bago iwan ito.
Aniya pati ang mga kusinang gumagamit ng kahoy sa pagluto ay huwag ding iwan na may baga pa.