Connect with us

Aklan News

6 TURISTA SA BORACAY, TIMBOG SA PAMEMEKE NG RT-PCR TEST

Published

on

Nahuli ng mga otoridad ang 6 turista na gumamit ng mga pekeng dokumento para makapasok sa isla ng Boracay.

Ayon kay Police Colonel Esmeraldo Osia Jr., ang Provincial Director ng Aklan Police Provincial Office (APPO), dumating sa isla nitong December 5 ang 6 na mga turistang magkakasama na binubuo ng 4 na babae at 2 lalaki.

Mabilis na natract ang 6 matapos na makatanggap sila ng email mula sa isang concerned citizen na peke ang mga RT-PCR result na ginamit ng mga ito.

Lumalabas na isa lang sa kanila ang mayroong orihinal na RT-PCR test result at ito ang ginamit ng 5 sa pamemeke ng dokumento, napag-alaman din na ang mga ginamit na code sa dokumento ay pagmamay-ari ng ibang tao.

Mismong ang Safeguard DNA Diagnostic Center na nakabase sa Mandaluyong City ang nagkumpirma na peke ang mga naturang dokumento.

Dahil dito, nagdesisyon ang Inter-Agency Task Force na ilabas sila sa isla at i-quarantine muna sa Aklan Training Center sa Kalibo. Nakatakda na rin silang isailalim sa swab test.

Posibleng maharap ang mga suspek sa kasong may kinalaman sa falsification of documents at Bayanihan to Heal as One Act.

Ito ang kauna-unahang beses na nakahuli ang mga otoridad ng mga turistang nameke ng mga dokumento para makapasok sa isla.