Connect with us

Aklan News

6 wheeler truck bumangga sa naka paradang 10-wheeler truck, isang pahinante sugatan

Published

on

PHOTO: BFP Banga

Sugatan ang isang pahinante matapos na maipit sa 6 wheeler truck na bumangga sa nakaparadang 10 wheeler truck sa Pagsanjan, Banga.

Kinilala ang driver ng 6 wheeler truck na si John Mark Diondo, 34 anyos ng Panit-an, Capiz habang ang driver naman ng 10-wheeler truck ay si Danilo Celestial, 44 anyos at residente naman ng San Isidro, Lapaz, Iloilo.

Aksidenteng bumangga ang 6 wheeler truck sa 10 wheeler truck na nakaparada sa gilid ng kalsada.

Sa lakas ng pagkakabangga, nawasak ang harapang bahagi ng truck at naipit ang pahinante ng 6 wheeler truck na si Rogelio Cartujano, 41, ng Roxas.

Nagtulungan ang mga responders na makuha mula sa truck si Cartujano at dinala sa pinakamalapit na ospital.

Sinasabing naka-hazard naman ang nakaparadang truck nang mangyari ang aksidente, patuloy pa ang imbestigasyon kung ano ang naging dahilan nito.