Aklan News
63 ANYOS NA ‘LOLA’, SUGATAN SA AKSIDENTE
New Washington – Sugatan ang isang 63 na ‘lola’ sanhi ng aksidente alas 6:30 kagabi sa Tambak, New Washington.
Nakilala ang biktimang si Delia Igharas, ng Mabilo, New Washington, na napag-alamang angkas noon sa kanilang traysikel na minamaneho ng kanyang mister.
Base sa imbestigayon ng mga pulis, pauwi na noon ang mag-asawa na kapwa balut at fish cracker vendor, nang mabangga ng traysikel na minamaneho naman ni Ranie Pamatian, 65 anyos Guinbaliwan, New Washington.
Base pa sa imbestigasyon, nag-over take umano sa mag-asawa si Pamatian, subalit nabangga nito ang traysikel ng dalawa rason na nahulog sa kalsada ang biktima, dahilan ng sugat nito sa katawan.
Kaagad siyang isinugod sa ospital, habang naka impound sa New Washington PNP Station ang kanilang mga traysikel.
Tutulong naman umano sa gastusin medikal ng biktima si Pamatian, na napag-alamang nasa impluwensiya ng alak nang mangyari ang insidente.