Connect with us

Aklan News

64 mula sa 327 barangay sa Aklan, may clustering na ng dengue

Published

on

UMABOT na sa 64 mula sa 327 na mga barangay sa Aklan ang mayroon nang clustering ng kaso ng dengue.

Ito ay batay sa dengue bulletin ng Provincial Health Office (PHO) Aklan simula Hulyo 28 hanggang Agosto 3, 2024.

Mula sa nasabing bilang, parehong may 11 clustering barangays ang mga bayan ng Kalibo at Malay; 8 barangay sa Numancia; tig-isa sa bayan ng Balete at Madalag; tig-apat sa Batan, Makato at Nabas; lima sa Buruanga; may tig-dalawang barangay sa mga bayan ng sa Ibajay, Lezo at Malinao; may tig-3 barangay ang bayan ng Libacao, New Washington at Tangalan.

Samantala, ang mga bayan naman ng Altavas at Banga ang wala pang naitatalang clustering ng dengue sa ngayon sa kabila na may naitala na rin itong mga kaso ng nasabing sakit.

Sa kasalukuyan, umakyat na sa 117 ang naitalang bagong kaso ng dengue sa lalawigan.