Connect with us

Aklan News

65 ANYOS NA ‘LOLA’, NALUNOD-PATAY

Published

on

Patay na nang matagpuan alas 9:25 kahapon ng umaga sa Aklan River, sa bahagi ng Mina, Lezo ang isang 65 anyos na ‘lola’ na pinaniniwalaang biktima ng pagkalunod.

Kinilala ng Lezo PNP ang biktima na si Claudia Revesencio, tubong Tayhawan, Lezo, at residente ngayon ng Linabuan Sur, Banga.

Sa imbestigasyon ng Lezo PNP, unang nakita ni Renel Moribus ang biktima na nakalutang sa ilog, kung saan ipinagbigay-alam niya ito sa mga otoridad.

Kaagad namang rumesponde ang mga taga MDRRMO at Lezo PNP doon at dinala ang biktima sa provincial hospital, subali’t wala na umano itong buhay.

Base naman sa impormasyong ibinigay ng kapatid ng biktima sa mga pulis, nakaugalian na umano ni Claudia na umuwi tuwing Linggo sa Tayhawan mula Linabuan Sur, Banga sa pamamagitan ng pagtawid sa ilog, subali’t posible umanong hindi nito nakayanan ang malakas na agos, sanhi ng aksidente nitong pagkalunod, lalo pa’t may kaliitan lamang umano ang biktima.

Dahil dito, naniniwala naman umano ang pamilya ng biktima na walang ‘foul play’ sa kanyang pagkamatay.

Dinala naman kinalaunan sa isang punerarya ang mga labi ng biktima.