Aklan News
65 year-old na babae, ikatlong COVID-19 local case sa Numancia
INANUNSYU ng Numancia Municipal Health Office ang kanilang ika-12 kaso ng COVID-19 na itinuturing na ikatlong local case.
Si Case No. 12 ay isang 65 anyos na babae na nakaranas ng sintomas ng sakit.
Kinuhaan siya ng swab specimen nitong October 1 sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital – Department of Pathology, Molecular Laboratory para sa confirmatory test at lumabas ang positibong resulta nitong October 2.
Nasa pangangalaga siya ngayon ng DRSTMH-COVID-19 Hospital Referral Facility para sa paggamot at monitoring.
Continue Reading