Connect with us

Aklan News

665 KABATAAN SA AKLAN NABAKUNAHAN NA NG FIRST DOSE NG COVID-19 VACCINES

Published

on

Photo Courtesy| Provincial Health Office

Umaabot na 665 na kabataan na edad 12-17 taong gulang ang nakatanggap ng kanilang first dose ng COVID-19 vaccines.

Ito ay sa pinakahuling tala ng Provincial Health Office simula ng buksan ang pediatric vaccination sa probinsiya ng Aklan nitong Nobyembre 5.

Tumanggap ng bakunang Pfizer ang mga kabataang nasa nabanggit na edad, may comorbidities man o wala sa isinagawang provincial launching ng Pediatric A3 group vaccination sa Aklan Provincial Hospital.

Matatandaang pinayagan na ng Department of Health (DOH) ang pediatric vaccination o pagbabakuna sa mga may edad 12-17.

Napag-alaman na ang bakunang Pfizer ang binigyan ng Philippine Food and Drug Administration ng emergency use authorization para sa nasabing age group.

Ang Pfizer vaccine para sa mga kabataan ay mas mababa ang dosage kumpara sa Pfizer vaccine na itinurok sa mga mas nakakatanda.

Samantala, matatanggap ng mga menor-de-edad ang kanilang second dose ng Pfizer vaccine makalipas ang 21 araw.

Patuloy namang hinihikayat ng PHO-Aklan at ng gobyerno probinsyal ang mga magulang at guardian na iparehistro ang kanilang mga anak na nasa nasabing edad upang mabakunahan na laban sa nakakahawa at nakamamatay na COVID-19.