Aklan News
7 kalalakihan huli sa ilegal na sabong sa New Washington


INARESTO ng mga otoridad ang pitong kalalakihan matapos maaktuhang nagsasagawa ng illegal na sabong sa Brgy. Ochando, New Washington nitong Lunes.
Ang mga ito ay residente ng iba’t-ibang baranggay sa nabanggit na bayan.
Narekober sa kanila ang 20 tari at P250 na perang pantaya.
Samantala, na-inquest na ang mga ito sa piskalya kaninang umaga para harapin ang kasong paglabag sa PD 449 o Cockfighting Law of 1974 .
Ang naturang operasyon kontra illegal gambling ay pinangunahan ng Provincial Intelligence Unit ng Aklan PPO katuwang ang New Washington PNP. | via Rhealyn Ortega
Continue Reading