Connect with us

Aklan News

7 POSTE NG AKELCO SA BORACAY PINATUMBA NG MALAKING PUNO NG KAHOY

Published

on

Kalibo, Aklan – Nagresulta ng power interruption sa buong isla ng Boracay ang pagkatumba ng 7 poste ng Aklan Electric Cooperative (AKELCO) kahapon sa Brgy. Balabag.

Sa ekslusibong panayam ngayong umaga kay Asst. Gen. Manager for Engineering, Engr. Joel Martinez, natumba aniya ang isang malaking kahoy at bumagsak sa kable ng kuryente na naging dahilan ng pagkatumba ng isang poste.

Pero dahil aniya sa ‘domino effect’ ay nahatak nito ang iba pang kalapit na poste at umabot sa 7 ang mga natumbang steel pole.

Aniya, posibleng bumigay ang puno gawa ng malakas na hangin at ulan kahapon sa isla.

Pinagsikapan naman ng Task Force Kapatid na maayos ang mga poste at maibalik kaagad ang daloy ng kuryente bago pumatak ang alas-6 kagabi.

Samantala, ibinalita rin ni Martinez na tapos na ang mga major daily interruptions sa isla at wala nang mangyayaring total black-out sa isla maliban na lamang sa mga un-scheduled power interruptions.

Nagpasalamat rin ito sa kanilang mga stakeholders sa Boracay sa kanilang kooperasyon sa kasagsagan ng Boracay Akelco lines rehabilitation.