Connect with us

Aklan News

7 TURISTA MULA SA NCR PLUS NA PUMUNTA SA BORACAY, GUMAMIT NG PEKENG RT PCR TEST RESULTS

Published

on

Boracay – Pitong mga turista mula sa NCR at katabing mga probinsya ang nadiskubrihang peke ang ginamit na mga RT PCR test result sa pagpasok sa Isla ng Boracay noong Byernes, June 4.

Kaagad silang kinuha ng Boracay PNP sa kanilang tinutuluyang hotel para dalhin sa quarantine facility sa Kalibo at kinuhaan na ng swab sample at inaantay na lang na lumabas ang resulta.

Ayon kay Malay Chief of Police Lt. Col. Don Dicksie De Dios, nakumpirma na peke ang dalang dokumento ng mga ito matapos i-validate ng provincial validation team.

Pinapayuhan din ni De Dios ang mga turista na huwag gumamit ng pekeng dokumento katulad ng RT PCR test result dahil malalaman din umano ito at dapat sa mga lisensyadong molecular laboratories lamang magpa test bago pumunta sa Aklan.

Nauna ng umapela ang tourism department sa mga turista na huwag mameke ng mga dokumento kung hindi mahaharap sila kaso kriminal at penalidad.

Maalala na inutosan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang laganap na kaso ng pamemeke ng mga dokumento ng mga turista na pumupunta sa Boracay.

Umaabot na rin 180 tourists ang nahuli sa mga pyer at paliparan na na gumagamit ng pekeng RT PCR test result para makapunta sa Boracay na isa sa mga requirements.

Dagdag pa ni De Dios mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 11332 or the Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act, and falsification of public documents of the Revised Penal Code ang mga mahuling mamemeke ng dokumento.

Samantala, hinahanda na rin ng Malay PNP ang kasong isasampa laban sa nasabing mga turisata.

Maaalala na muling pinayagan ng goyerno ang leisurely travel sa mga taga-NCR plus sa mga lugar na nasa GCQ at MGCQ simula Hunyo 1 hanggang 15.

Continue Reading