Aklan News
70 ANYOS NA LOLA NA WALANG EXPOSURE SA COVID-19 PATIENT, DINAPUAN NG VIRUS
Naitala sa Numancia ang ika-130 at 131 COVID-19 positive.
Si Case #130 ay isang 70 anyos na lola na walang history ng exposure sa COVID-19 positive na nakitaan ng sintomas ng virus at dinala sa DRSTMH.
Kinuhaan ng swab test ang pasyente nitong Abril 26, Lunes at nagpositibo sa SARS-COV-2 (causative agent of COVID-19) VIRAL RNA DETECTED.
Bukod sa kanya, nagpositibo rin ang isang 56 anyos na lalaki na si Case #131 na mayroong direct contact sa COVID positive.
Pareho ang mga itong naka-isolate sa COVID ward ng DRSTMH batay sa opisyal na pahayag ng LGU Numancia.
Continue Reading