Connect with us

Aklan News

70 pulis ng Aklan PNP na may kamag-anak na kakandidato sa BSKE 2023, ililipat ng puwesto

Published

on

Ililipat ng puwesto ang nasa 70 police personnels ng Aklan PNP na may kamag-anak na kakandidato sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.

Ayon kay PSSgt. Jane Vega, Public Information Officer ng Aklan Police Provincial Office (APPO) ililipat muna pansamantala ang nasabing mga pulis sa ibang Municipal Police Stations.

Aniya pa, normal lamang ang ginagawang re-assignement ng mga tauhan tuwing may halalan.

Sa pamamagitan aniya ng naturang hakbang, masisiguro na hindi masasangkot sa “partisan politics” ang mga tauhan ng PNP.

Dagdag pa ni Vega, bahagi na ng kanilang Standard Operating Procedures (SOP) na kapag may election ay inililipat muna pansamantala ang mga miyembro ng kapulisan na may kamag-anak na kakandidato.

Gayunman, sinabi ng tagapagsalita ng Aklan PNP na hindi lamang mga kamag-anak ng mga tatakbo sa BSKE ang posibleng malipat ng puwesto kundi ang mga malalapit sa mga kandidato.

Nabatid na hanggang 4th degree ng kamag-anak na kandidato ang sakop ng regulasyon ng PNP.