Aklan News
71 NEW POSITIVE CASES: BILANG NG MAY COVID-19 SA AKLAN PATULOY ANG PAGLOBO
Patuloy na lumolobo ang bilang ng mga dinadapuan ng coronavirus disease (COVID-19) sa kabila ng maigting at sunod-sunod na paalala ng Department of Health (DOH) na sundin ang minimum standard health protocols.
Ayon kay Dr. Cornelio Cuachon ng Aklan Provincial Health Office (PHO), 71 ang mga bagong COVID-19 cases sa Aklan.
Karamihan sa mga bagong kaso ay mula sa bayan ng Kalibo na mayroong 22.
May 10 rin sa Balete, 9 sa Nabas, 9 sa Malay, 9 sa Banga, 5 sa Altavas, 2 sa Numancia, at tig-isa sa Altavas, Lezo at Malay.
Batay sa pinakahuling datos ng PHO nitong May 25, nasa 299 na ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya at patuloy pa itong tumataas.
Kaya naman muling nag-apela at humingi ng kooperasyon si Cuachon sa publiko dahil pagod na rin ang mga medical frontliners sa Aklan, “Naga apela gid kita sa mga Aklanon nga kinahang-ean gid ro kooperasyon it tanan nga magsunod gid kita sa mga minimum health protocols.”
“Indi kita magkumpiyansa even sa mga kabaryohanan nga kung amat owa nagasuksok it facemask, dapat pirme gid nasunod ro pagsuksok it facemask, face shield, pirmeng pag sanitize it alima ag ro physical social distancing. Kung mahimo likawan gid naton ro mga high risk areas, close space ag close contact setting,” dagdag pa nito.