Aklan News
720 ACTIVE CASES: AKTIBONG KASO NG COVID-19 SA AKLAN PATULOY SA PAGLOBO
Patuloy pa rin ang paglobo ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya ng Aklan.
Batay sa pinakabagong datos ng Aklan Provincial Health Office, umakyat na sa 720 ang bilang ng mga aktibong kaso ng sakit matapos sunod-sunod na nakapagtala ang Aklan ng mahigit 50 kaso kada araw.
Mula sa 720, 653 ang mga naka facility quarantined, 19 ang home quarantined at 48 ang naka-admit sa ospital.
Nasa 3,088 naman ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo makaraang madagdagan kahapon ng 59 na binubuo ng 17 mula sa Kalibo, 14 sa Numancia, 14 sa Makato, 4 sa Malay, 3 sa Malinao, 3 sa Banga, 2 sa Batan at tig isa sa Libacao at Tangalan.
Siyam (9) naman ang gumaling sa sakit kahapon kaya’t nasa 2,294 na nag mga total recoveries.
Isa rin ang dumagdag sa tala ng mga namatay, ito ay si Case no. 2740, isang 53 anyos na babaeng may unknown exposure sa COVID-19 positive.
Bunga nito, umabot na sa 74 ang COVID-19 deaths sa Aklan.