Connect with us

Aklan News

75 ANYOS NA LOLO, PINAGTATAGA NG LASING

Published

on

Batan – Sugatan sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang isang 75 anyos na lolo matapos pagtatagain ng lasing sa kanilang bahay alas 11:00 kaninang tanghali sa Sitio Magupiña, Magpag-ong, Batan.

Nakilala ang biktimang si Eliserio Dela Cruz, habang naaresto naman ang suspek na si Raffy Ruta, 48 anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.

Base sa insiyal na imbistigasyon ng pulis, naghahanda noon ng pananghalian ang biktima at kanyang asawa nang dumating ang suspek at bigla na lamang pinagtataga ang biktima sa ulo, siko, at iba pang parte ng katawan.

Ayon pa sa otoridad may dati umanong alitan ang biktima at suspek at ito ang tinitingnang motibo sa nasabing insidente.

Kaagad isinugod sa ospital ang biktima sanhi ng mga tinamong sugat, habang arestado naman ang suspek at kasalukuyang nasa kustodiya ng Batan PNP para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading