Connect with us

Aklan News

8 anyos na bata, nalunod-patay sa family outing sa kaarawan ng kanyang ina

Published

on

Nauwi sa trahedya ang masaya sanang family outing sa Madalag matapos malunod ang walong taong gulang na batang lalaki.

Naganap ang insidente dakong ala-1:30 kahapon sa Sitio Macapio, Brgy. Logohon, Madalag.

Ayon sa ama ng biktima, naglalaro ang kanyang anak kasama ng iba pang mga bata sa tabi ng ilog habang abala siya sa paghahanda ng mga pagkain at pag-iihaw ng isda para sa selebrasyon ng kaarawan ng kaniyang asawa.

Pero makaraan ang ilang minuto ay nakarinig sila ng saklolo dahil tinangay ng tubig ang kanyang anak sa malalim na bahagi ng ilog.

Dumaan pa ang isang oras bago nila nahanap ang biktima sa ilalim ng tubig.

Sinubukang i-revived bago dinala sa Madalag Hospital ang bata pero hindi na ito umabot ng buhay.