Connect with us

Aklan News

8 EX-CONVICTS NA NAKA AVAIL NG GCTA, SUMUKO SA AKLAN

Published

on

Aklan Police Provincial Office (APPO) | Boracay Informer photo

Kalibo, Aklan – SUMUKO ang 8 na mga ex convicts sa Aklan PNP bago pa man matapos ang 15 araw na palugit na binigay ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang mga ito ay naka avail ng Good Conduct Time Allowance rule matapos makulong dahil sa mga heineous crime nilang kaso.

Ayon kay APPO Information Officer Corporal Jane Vega,15 ang mga taga Aklan na nabigyan ng release order ng Bureau of Corrections basi sa kanilang listahan.

Nangangahulugan na meron pang 7 na hindi sumusuko.

Ang mga nasabing sumuko ay dinala na ng Aklan PNP sa Sablayan Penal Colony sa Occidental Mindoro na nasa pangangalaga din ng BuCor.

Meron ding isang sumuko na wala sa official list ng Aklan PNP at hihintayin ang instruction ng higher command.

Matatandaang binantaan ni Presidente Duterte na papatungan nya ng 1 Million pesos reward ang mga hindi susuko pagkatapos nga September 19 nyang palugit at ipapaaresto sila sa kapulisan, dead or alive.

Ito ay matapos malaman ng Pangulo na maraming nag avail ng GCTA na hindi naman qualified dahilan kaya tinanggal nya si BuCor Chief Nicanor Faeldon.