Aklan News
8 request for endorsement para sa sand and gravel quarry permit, pinabalik ng SP Aklan sa AKENRO
IPINABALIK ng Aklan Sangguniang Panlalawigan sa Aklan Environment and Natural Resources Office (AKENRO) ang walong request for endorsement para sa sand and gravel quarry permit.
Ito ay upang mabigyan ng kaukulang aksyon at disposisyon.
Sa panayam naman ng Radyo Todo kay Engr. Valentin Teodosio ng Mines & Geosciences Development Services ng AKENRO, ipinaliwanag nito ang proseso sa pagkuha ng permit bago isalang sa deliberasyon ng Sangguniang Panlalawigan.
Aniya, bago ang deliberasyon ng SP ay kailangan niya muna itong gawan ng endorsement.
Giit nito, bago magawan ng endorsement, kailangang kumpleto ang mga dokumento.
Samantala, inihayag ni Teodosio na kanyang na-obserbahan na hindi kumpleto ang mga ipinapasang dokumento ng mga aplikante.
Dahil dito, hindi rin aniya siya makakagawa ng report.
Suhestiyon naman ni Teodosio sa mga aplikante na siguraduhing kumpleto ang mga ipinapasang dokumento at kung maaari ay ifollow-up nila ang kanilang mga dokumento upang malaman kung ano na ang estado nito.
“Ro proseso abi kara, bago i-deliberate una sa SP dapat gina-ubrahan namon it endorsement. Bago kami mag-obra it endorsement, dapat man ko documents, kumpleto. Hay sa akon nga pag-obserbar ro iba kara hay medyo bukon pat-a’t kompleto andang documents ag may amon nga sa SP nga gin-istoryahan nga dapat kumpleto eon sanda. So indi ako kaubra it report kung bukon it kumpleto ra. So dapat kunta ra, daya man nga mga applicant, anda man ifollow-up, bisitahan man nanda sa opisina nga concerned it daya nga documents agod nga masayran nanda du status kung nano,” pahayag ni Teodosio.