Connect with us

Aklan News

85 kapulisan, ipinakalat na para sa opening salvo ng Kalibo Ati-Atihan Festival 2025

Published

on

Ipinakalat na ang 85 na mga kapulisan para sa Opening Salvo ng Kalibo Sto. Niño Ati-atihan Festival 2025 simula ngayong araw Oktubre 4 hanggang Oktubre 6, 2024.

Sa panayam ng Radyo Todo kay PMaj. Willian Aguirre, Deputy Chief ng Kalibo PNP, 65 na mga pulis ang mula sa Kalibo MPS at 20 naman ang mula sa Aklan PPO.

Ito umano ay para masigurado ang seguridad ng mga bisita at iba pang dadalo sa nasabing na selebrasyon.

Hangad ng mga otoridad na makarecord ng “Zero major incident” sa tatlong araw na selebrasyon ng Opening salvo.

Kaugnay nito, patuloy ang paalala ng mga kapulisan na sundin ang mga alituntunin at wag nang gawin ang mga ipinagbabawal para sa maging maayos at payapa ang event.