Connect with us

Aklan News

868 Aklanon nakatanggap ng ayuda mula sa Aklan Prov’l Gov’t

Published

on

Photo Courtesy: Aklan Public Information Board

Mahigit 868 na mga Aklanon ang nakatanggap ng medical at educational assistance mula sa Aklan Provincial Government sa ABL Sports Complex ngayong Hulyo 6.

Ang distribusyon ng naturang ayuda ay pinangunaham ng Provincial Governor’s Office – Social Services Section kasama ang Provincial Treasurer’s Office, Provincial Social Welfare and Development Office, Provincial Accounting Office, Provincial General Services Office, Barangay Affairs Office, Provincial Civil Security Group, at Provincial Scholars.

Mula sa 868 na mga benepisyaryo, 324 ang nakatanggap ng medical assistance habang 544 naman ang benepisyaryo ng educational assistance.

Samantala, personal namang nagpa-abot ng kanilang suporta si Gov. Joen Miraflores at Vice Gov. Boy Quimpo at iba pang department heads para sa mga benipisyaryong Aklanon.