Connect with us

Aklan News

9 basyo ng bala, narekober sa bahay ng biktima; mula sa magkaibang baril -Banga PNP

Published

on

 

NAREKOBER ng mga kapulisan ang mga basyo ng bala na umano’y mula sa dalawang magkaibang baril sa mismong lugar kung saan pinagbabaril ang biktima sa Sitio, Bukid ,Brgy Lapnag, Banga kagabi, Hunyo 15.

Sa pahayag ni plt. Jorge Flores Deputy Chief of Police ng Banga MPS, nasa 7 basyong bala mula sa Calibre 45 na baril at 2 namang bala ng Calibre 9mm na baril ang kanilang narekober sa crime scene.

Pinaniniwalaang, galing din ito sa dalawang gunman na bumaril- patay sa biktima na si Remi Asiong.

Dagdag pa nito, hindi pa mabilang kung ilan ang tama ng biktima dahil hinihintay pa ang resulta ng mediko legal.

Kung matatandaan, pinagbabaril si Asiong sa labas ng mismong bahay nito ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek sakay ng motorsiklo.

Sa ngayon ay patuloy pang pinaghahanap ng Banga PNP ang salarin sa nasabing pamamaril. Ulat ni Jisrel Nervar