Aklan News
9 indibidwal, arestado matapos na manalisi sa ilang puwesto sa Altavas Public Market
Mabilis na nahuli ng mga otoridad ang 9 na indibidwal sa bayan ng Altavas matapos na salisihan ng mga ito ang ilang pwesto sa Altavas Public Market.
Napag-alaman na mula pang Luzon ang mga suspek.
Sa inisyal na impormasyon, nagreklamo umano ang ilang mga negosyante sa naturang palengke matapos na mapansin na sila’y nasalisihan o nanakawan ng mga nagkunwaring customer.
Agad nagresponde ang Altavas Pnp at doon nahuli ang grupo ng mga salisi.
Wala pang kumpirmasyon mula sa mga otoridad kung ilang pwesto ang nabiktima at kung ano ang mga natangay na umano’y narekober din sa kanila.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Altavas Municipal Police Station ang mga suspek habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga kapulisan.
Continue Reading