Connect with us

Aklan News

91 PANIBAGONG KASO NG COVID-19, NAITALA SA AKLAN NGAYONG ARAW

Published

on

Patuloy na tumataas ang kaso ng CoViD-19 sa probinsya ng Aklan matapos na makapagtala na naman ito ng 91 panibagong kaso ngayong araw kung saan sumampa na sa 4,126 ang kabuuang bilang.

Ito ay base sa ipinalabas na data ng Aklan PESU kung saan nanguna na naman ang bayan ng Kalibo na may 40 new cases.

Sinusundan ito ng Malay-17, New Washington-13, Batan-6, tig-5 ang Altavas at Numancia, Nabas-2 at tig-1 ang mga bayan ng Ibajay, Makato at Malinao.

Sa nasabing mga kumpirmadong kaso, 915 pa dito ang active cases, 718 ang naka-facility quarantine, 69 ang naka-home quarantine at 65 ang admitted sa ospital.

Sa kabila nito, 74 naman ang panibagong gumaling sa CoViD-19 kung saan nasa 3,115 na ang total recoveries.

Umakyat naman sa 96 ang total deaths matapos itong madagdagan ng isa.

Continue Reading