Connect with us

Aklan News

96% NG ‘PUM’ SA AKLAN AY CLEARED NA

Published

on

Kalibo, Aklan – MASAYANG ibinalita ni Aklan Provincial Health Officer Dr. Cornelio Cuachin, Jr na 96 percent nang mga Persons Under Monitoring sa Aklan ay nag cleared na matapos ang kanilang home quarantine.

Sa kabuuan ay may naitalang 5,177 na mga PUM sa Aklan kung saan ay 5,076 na ang nabigyan ng quarantine clearance.

Ngayong araw ay may 7 bagong PUM at ito ay ang mga nagkaroon ng direct contact sa ikaanim na positive case na 40 years old na taga Brgy. Estancia, Kalibo.

Ang mga ito ay nakunan na ng specimen sample para matest sa Western Visayas Medical Center bukas kahit walang ipinapakitang sintomas at mananatili sila sa kanilang bahay.

Samantala, isa na lang ang Person Under Investigation sa ngayon na naka quarantine sa Aklan Training Center.

Ito ay matapos ipag utos ni Aklan Governor Joeben Miraflores na lahat ng PUI ay dapat sa ATC i-quarantine kahit mild lang ang sintomas.

Kinunan na rin ito ng specimen sample para maipatest sa WVMC.

Ang 10 PUI na nasa ibang bayan ay hindi na pinadala sa ATC dahil patapos na rin ang home quarantine ng mga ito ayon sa kani-kanilang Municipal Health Officers.