Aklan News
96 panibagong kaso ng COVID-19, nadagdag sa record ng Aklan
Nadagdagan ng panibagong 96 na COVID-19 positive cases ang lalawigan ng Aklan. Batay ito sa July 14, 2021 report ng Aklan Provincial Epidemiology and Surveillance Unit.
Ang nasabing bilang ay ang 31.5% positivity rate ng 305 na bilang ng mga sumailalim sa swab testing kahapon, Hulyo 13, 2021.
Isa naman ang naiulat na nasawi dahil sa COVID-19 ngayong araw.
Pinakamarami ang naitalang kaso sa bayan ng Kalibo na umabot ng 16. Sinusundan ito ng New Washington na nakapagtala ng 15, habang pumangatlo naman ang mga bayan ng Balete at Banga na may tig-9 na naitalang kaso.
Ang mga sumusunod ay ang bilang ng mga nag-positibo sa iba’t-ibang bayan ng Aklan:
Altavas: 3
Batan: 2
Ibajay: 8
Lezo: 7
Madalag: 4
Makato: 2
Malay: 3
Malinao: 6
Nabas: 4
Numancia: 8