Aklan News
99 baby pawikan, pinakawalan sa Caticlan
Nasa 99 na Hawksbill Sea Turtle ang pinakawalan sa Tabon Port, Brgy. Caticlan, Malay, Aklan nitong July 1, araw ng Biyernes.
Tumulong ang mga taga Aklan Maritime Pulis, Philippine Coast Guard (PCG) Caticlan at Malay Bantay Dagat sa pagpapakawala ng mga pawikan na isang buwang gulang pa lamang.
Kita sa mga larawan na inapload ng Maritime Pulis sa social media ang mga hatchling pawikan na isa-isang gumagapang patungo sa dagat.
Kabilang ang ang Hawksbill turtle sa mga “critically endangered” na uri ng pawikan.
Ipinagbabawal ang pagpatay o paghuli sa mga ito.
Continue Reading