Connect with us

Aklan News

ABOGADO, ANAK AT KLIYENTE TINAMBANGAN GALING SA COURT HEARING

Published

on

MALAPAD COGON, Sigma, Capiz – Dalawang hindi nakikilalang suspek ang nag-ambush sa isang abogado, kanyang babaeng anak na doctor na nagsilbing driver at kliyente ng abogado kaninang bandang 11:00 ng umaga dito.

Nakilala ang abogadong si Atty. Cris Azarcon Heredia, isang human rights lawyer at asawa ng Municipal Administrator ng bayan ng Pilar, Capiz. Kasama ni Heredia sakay sa isang puting Toyota Fortuner na tinambangan ay ang anak ng abogado na si Dr. Angelika Katrina Heredia na siyang nagdadala ng sasakyan, at Jaime Dords, kliyente ng abogado sa land dispute.

Ayon sa imbestigasyon ng Radyo Todo Capiz 97.7 FM, galing sa court hearing sa bayan ng Dao, Capiz ang mga biktima at binabaybay ang daanan ng Malapad Cogon papuntang bayan ng Panitan nang sila ay sinundan ng dalawang suspek at pinagbabaril ang sasakyan.

Nang mahulog ang sasakyan sa kanal sa tabi ng daan, tumalon palabas si Jaime Dordas na isa rin palang kasapi ng Philippine Army at nag-return fire sa mga suspek. Dahil dito umatras ang mga suspek patungo sa hindi nalamang direksyon.

Dahil sa pananambang, daplis na natamaan si Dordas sa kanyang leeg at dali-daling dinala sa bahay pagamutan sa lungsod ng Roxas.

Na-recover sa crime ang sinasakyang Toyota Fortuner ng mga biktima na tadtad ng bala sa kanang likurang bahagi nito. Na-recover din ang 7 bala ng 9mm at .45 caliber pistol sa loob ng Fortuner.

Ayon kay Atty. Heredia, may maraming anggulo silang tinitingnan sa pananambang.

Matandaan na meron ng death threat si Atty. Heredia. Ang kanyang kliyente ay meron ding death threat dahil sa sinasabing agawan ng lupa. Tinitingnan din ni Heredia ang ilang anggulo dahil hindi kaila na siya rin ang nag-file ng kaso laban sa isang dating alkalde ng isang bayan dito sa Capiz dahil sa katiwalian.

Sa ngayon pinag-iisipan pa ng kampo ni Atty. Heredia kung paano at anong kaso ang kanilang isasampa laban sa mga suspek pagkatapos malaman ang motibo ng pananmbang sa kanila.