Connect with us

Aklan News

ACAF INC., TUMANGGING IBIGAY ANG PONDO SA LGU AT SIMBAHAN

Published

on

Kalibo, Aklan – Nanindigan ang Aklan Culture and Arts Foundation (ACAF) Inc. na hindi nila kailangang ibalik ang perang nalikom ng foundation sa LGU Kalibo o ibigay bilang donasyon sa simbahan.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Atty. Ariel Gepty Legal Counsel at spokesman ng ACAF Inc., inihayag nito na ang pondo ng ACAF Inc. ay pagmamay-ari ng foundation at nakadepende sa kanilang board of trustees kung idodonate nila ang pondo o hindi.

Sinabi pa nito na nakalagay sa kanilang By-laws na gagamitin lamang ang pondo ng foundation sa nakalaan nitong layunin.

Mula sa dating Kalibo Sto. Niño Ati-atihan Foundation Inc. (KASAFI) ay nagpalit ng pangalan ang  ACAF Inc. dahil naniniwala sila na kailangan lawakan ang layunin ng foundation matapos nilang hawakan sa loob ng 9 na taon ang pangangasiwa ng Ati-atihan Festival.

Layunin ngayon ng ACAF Inc. na ipakilala sa buong mundo ang magandang kultura ng probinsya ng Aklan at hindi lang ang Ati-atihan Festival na tinaguriang The Mother of All Philippines Festivals.

Ipinaabot rin nito na patuloy nilang tutulungan at susuportahan ang Kalibo Ati-atihan Festival.