Aklan News
ACTIVE CASES NG COVID SA NABAS NASA 54: BAHAGI NG ALIMBO BAYBAY NAKASURGICAL LOCKDOWN
Nagsagawa kahapon ng intensified community testing ang Aklan PHO sa bayan ng Nabas para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus.
Ayon kay Nabas Mayor James Solanoy, hinihintay nalang ang resulta ng swab test ng 210 katao na kinuhaan ng sample sa Brgy. Alimbo Baybay kahapon.
Simula Setyembre 2020, 76 na ang lahat ng mga nailistang confirmed cases sa Nabas, 22 palang dito ang mga gumaling at 54 ang aktibong kaso ayon sa alkalde.
Kinumpirma rin ng alkalde na maging ang kanyang ina at kapatid ay hindi nakaligtas sa virus.
Kahapon lang ay may 9 na mga kaso na dumagdag sa nasabing bayan.
Pero nilinaw nito na walang naospital sa mga ito at lahat ngayon ay naka quarantine sa kanilang pasilidad.
Sa ngayon ay nakadepende umano sa mga doktor at sa Municipal Inter-Agency task Force kung hanggang kailan magtatagal ang lockdown sa lugar.