Aklan News
ACTIVE CASES SA AKLAN SUMAMPA NA SA 793 MATAPOS ANG PANIBAGONG 59 NEW CASES NG COVID-19 NGAYONG ARAW
Patuloy ang pagtaas ng active cases ng CoViD-19 sa probinsya ng Aklan matapos madagdagan ng 59 panibagong kaso ngayong araw.
Sa pinalabas na case bulletin ngayong gabi ng Aklan Provincial Epedimiology Surveillance Unit (PESU) umakyat na sa 793 ang aktibong kaso ng probinsya.
Muling nanguna ang bayan ng Kalibo sa may pinakamaraming bagong kaso na 13, Lezo – 11, Malinao – 8, Tangalan – 5, tig-4 ang mga bayan ng Makato, Malay at Numancia, Nabas – 3, tig-2 naman ang Batan, Buruanga at New Washington, at isa sa Banga.
30 naman ang nadagdag sa mga gumaling sa sakit, habang isa naman ang nadagdag sa mga namatay si case no. 3182, isang 60 anyos na lalaki na taga Banga na may unknown exposure.
Sa ngayon ang Aklan ay may total confirmed cases ng CoViD-19 na 3,311 kung saan 2,442 na dito ang naka recover at 76 na ang mga namatay.