Aklan News
Admissions sa Aklan Provincial Hospital, limitado na sa 50%; COVID admissions lumulobo
Umabot na sa 78% ang occupancy rate ng bed capacity ng COVID-19 ward sa Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital (DRSTMH).
Batay sa abiso ng opisina ng gobernador, may average na 65-70 patients na may moderate at severe symptoms ang COVID-19 ward na may 90 bed capacity.
Dahil dito, nagpapatupad ng ilang pagbabago sa protocols ng pagamutan.
Kasama na dito ang temporaryong pagsuspende sa OPD (Out Patient Department) consultations, limitado sa 50% na bed allocation sa mga regular na pasyente at suspensyon ng elective surgeries (General Surgery, Orthopedics, ENT, Opthalmology) at OB-Gyne procedures.
Tanging ang mga emergency surgeries at OB procedures lang ang tatanggapin.
Continue Reading