Aklan News
African Swine Fever at Red Tide, wala pa sa Aklan
Kinumpirma ng Office of the Provincial Veterinarian (OPVET) na wala pang kaso ng African Swine Fever (ASF) at Red Tide sa lalawigan ng Aklan.
Sa press conference ng OPVET kaninang umaga, sinabi ni Dr. Ma. Cyrosa Leen Mabel C. Siñel head ng OPVET-Aklan na patuloy ang kanilang mahigpit na pagmomonitor sa apat na entry points ng Aklan para masiguro na ligtas mula sa ASF ang Aklan.
Aniya, sakaling makapasok kasi ang ASF sa Aklan ay magiging ground zero ang Kalibo.
Ibig sabihin, lahat ng alagang baboy sa loob ng 500 meters ay kukuhaan ng dugo at isasailalim sa eksaminasyon.
“Pananglitan nga magsueod iya ro ASF, ang Kalibo magiging ground zero, ibig sabihin sa sueod it 500 meters, tanan nga baboy paga bue-an it dugo ag i-examine sa laboratory ag tanan nga nagpositive whether they like it or not, amon nga i-condemn,” saad ni Siñel.
Lahat din ng munisipyo ay kailangan din na mag-install ng kanya-kanyang border checkpoint.
“If ever mag positive ang Kalibo, tanan nga munisipyo, mainstall eon it kanya-kanyang border checkpoint. Para makontrol agud may remaining banwa pa dayun nga mabue-an it meat products especially pork,” dagdag pa niya.
Dahil ASF free ang Aklan, maaari pa ring magpadala ang mga residente ng meat products sa labas ng lalawigan.
Bukod sa ASF, wala ring Red Tide sa Aklan batay kay Christian Deza, Senior Aquaculturist ng Office of the Provincial Agriculturist.
Aniya, sa latest sample ng BFAR Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), lumalabas na ligtas ang Aklan sa Red Tide.