Connect with us

Aklan News

Agawan ng customer ng 2 tindera nauwi sa away, isa nawalan ng malay

Published

on

Motorista patay matapos sumalpok sa nakaparadang truck

Nawalan ng malay at naospital ang isa sa dalawang tindera na nag-away matapos mag-agawan ng customer sa may harap ng Aklan Provincial Hospital.

Batay sa report, parehong nagtitinda sa may gilid ng kalsada ang 57 anyos na biktima na taga Brgy. New Buswang, Kalibo at ang kapwa nito tindera na nasa legal na edad rin.

Sinasabing nauwi sa pisikalan ang away ng dalawa dahil sa isang customer hanggang sa nawalan ng malay ang biktima at nagtamo ng mga minor injuries.

Hanggang ngayon ay nagpapagaling pa sa ospital ang biktima.