Aklan News
Airport re-settlement project, sisimulan na
SISIMULAN na ng lokal na pamahalan ng Kalibo, Department of Transportation (DOTr) at Department of Human Settlements and Urban Development (DSHUD) ang implementasyon ng Airport Re-Settlement Project.
Ang naturang proyekto ay para sa mga naapektuhan ng Kalibo International Airport expansion ng DOTr.
Ayon kay Mayor Juris Bautista Sucro, ang naturang proyekto ay nagkakahalaga ng P246 million.
Tinatayang aabot sa 180 units ang itatayo sa loob ng dalawang ektaryang lupain sa barangay Tigayon.
Inihayag pa ng alkalde na magkakaroon muna ng evaluation para sa mga magiging benepisaryo.
Aniya pa, kapag nagkulang ang naturang pondo ay hihingi sila ng alokasyon magmula sa DOTr.
Kaugnay nito, sinimulan na rin ng lokal na pamahalaan ang pagbuo ng mga patakaran para sa paggulong ng nasabing proyekto.
Samantala, may mga proyekto at programa rin ang DOTr sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Jaime Bautista gaya ng Livelihood Trainings at opurtunidad na makapag-negosyo ang mga benepisaryo sa pakikupagtulungan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA.)